APRUBADO | 100-day maternity leave bill, lusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pahabain ang maternity leave.

Sa ilalim nito, gagawing 100 araw mula sa dating 60 hanggang 78 araw ang ibibigay na leave sa mga ina na manganganak, mapa-natural delivery man o caesarian section.

Pwede rin itong i-extend pa ng hanggang 30 araw pero hindi na ito bayad.


Kabilang sa mga makikinabang nito ay ang mga nasa gobyerno at nasa pribadong sektor.

Sa pamamagitan nito, mas mapapangalagaan ng mga nanay ang kanilang kalusugan maging ang kanilang sanggol.

Facebook Comments