Manila, Philippines – Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang accreditation ng dalawang Transport Network Companies (TNC).
Ibig sabihin, madadagdagan ang mga nag-o-operate na Transport Network Vehicle Service (tNVS) sa bansa.
Ang kumpanyang “Snappy Cab”, at “Ryd” ay madagdag sa anim na kasalukuyang TNCs gaya ng “Ipara”, “Micab”, “Hype”, “Golag”, “Owto”, at “Hirna”.
Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, layunin nito na makapagbigay ng magandang serbisyo ng transportasyon sa publiko.
Nakabinbin pa rin ang renewal ng accreditation ng Grab dahil sa mga kinakaharap nitong reklamo ukol sa ownership.
Sa ngayon, aabot sa 65,000 TNVS units ang bumibiyahe sa kalsada.
Facebook Comments