APRUBADO | COMELEC, inaprubahan na ang accreditation ng regional political party kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Commission on Election o COMELEC ang accreditation ng binuong regional political party ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, naipasa ng partidong hugpong ng pagbabago ang lahat ng requirement na itinakda ng batas.

Ibig sabihin, maaari ng bumuo ng line up ng mga kandidato para sa 2019 midterm election ang partido.


Sa basbas ni Pangulong Rodrido Duterte, binuo ng alkalde ang partido na may apat na gobernador sa Davao region at nagsimula na rin itong mag-recruit ng mga miyembro.

Facebook Comments