Manila, Philippines – Lusot na sa bicameral conference committee ng Kongreso ang pinal na bersyon ng Expanded Maternity Leave Bill.
Base sa bersyon ng Senado, 120 days ang leave na kanilang pinapayagan habang 100 araw lang para sa Kamara.
Ayon kay Baguio City Cong. Mark Go – dapat ikunsidera ang lahat ng aspeto ng workforce.
Kapag naisabatas ay mabibigyan ng 105 araw na paid leave ang mga nagtatrabahong ina.
Kasama na rito ang paternal leave ng mga ama.
Maari ring palawigin ang leave hanggang 30 araw na walang bayad.
Binibigyan din ng 15 days na leave ang mga single mother.
Sa ngayon, nakatakdang ratipikahan ng Kamara at Senado ang panukalang batas bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments