APRUBADO | Institutionalization ng 4Ps, pinal nang inaprubahan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ang panukala na mag-i-institutionalize ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sa botong 196 Yes at 6 No ay inaprubahan ang House Bill 7773 sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa ilalim panukala, ipagpapatuloy ang pamamahagi ng pinansiyal na benepisyo sa mahihirap na pamilya na hindi pa umaabot sa poverty threshold ang kita.


Target dito na masakop ng 4Ps ang 60% ng pinakamahihirap na pamilya sa bansa na tutukuyin at pipiliin naman ng DSWD.

Kapag naisabatas ang panukalang ito, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay makatatanggap ng P2,200 kada buwan o P26,400 kada taon na pangtustos sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon at ito ay tatagal ng limang taon.

Facebook Comments