APRUBADO | Massive rehabilitation sa Bohol, Palawan – may go signal na mula kay PRRD

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Tourism (DOT) na ikasa ang malawakang rehabilitasyon sa mga tourist spot sa Bohol at Palawan.

Ito ay kasunod ng anim na buwang pagsasara ng Boracay sa Aklan.

Ayon kay Presidential Spokesperson, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo – pinagkasunduan na sa cabinet ang rehabilitasyon ng Panglao Island at El Nido.


Aniya, hindi na kailangang mag-isyu ng Executive Order (EO) para rito.

Ang Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang lead-agencies na magpapatupad ng rehabilitation.

Facebook Comments