APRUBADO NA | 11 senate bills kaugnay sa establishment, separation at renaming ng ilang high schools at colleges nationwide, lusot sa ikatlo’t huling pagbasa

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang 11 panukalang magtatatag, maghihiwalay o ang pagpapalit ng pangalan sa ilang high school at kolehiyo sa buong bansa.

Ayon kay Senador Francis Escudero, chairperson ng senate committee on education, arts and culture – ang pagtatayo ng national high schools sa ilang barangay ay magbibigay ng access sa secondary education sa mga residente.

Kabilang sa mga itatayong national high schools ay:
Barangay Pan-Ay Dako, bayan ng Clarin, Misamis Occidental
Barangay Bignay, Valenzuela City
Barangay Tiblac, bayan ng Ambuguio, Nueva Vizcaya
Barangay 184, Zone 19, Maricaban, Pasay City.


Inaprubahan na rin ang separation at conversion ng ilang national high schools sa bayan ng Santa Maria at Jose Abad Santos, Davao Occidental at sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Kabilang naman sa mga kolehiyong isasailalim sa renaming at integration ay ang: Don Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Pampanga; Cebu City Mountain Extension Campus; at ang Maasin City College sa Leyte.

Sabi ni Escudero, layunin ng renaming at integration sa ilang unibersidad ay mapalawak ang iniaalok nitong kurso at programa.

Facebook Comments