APRUBADO NA | 20% discount sa mga senior citizens at persons with disability na magbo-book ng domestic flight online, inaprubahan na ng DOTr

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Department of Transportation – civil aeronautics board ang 20 percent discount sa mga senior citizen at Persons With Disabilities (PWD’s) na magbo- book ng domestic flight online.

Dati kasing ipinagkakaloob lamang ang discount sa mga senior citizen at may mga kapansanan kung ito ay personal na transaksyon.

Sa nasabing resolusyon, kailangan lamang ilagay ng pasaherong seniors o PWD’s ang petsa at id number ng kanilang senior citizen o PWD card.


Inatasan na rin ng cab ang mga airlines na ayusin ang kanilang website para mai-proseso ang 20 percent discount sa mga senior at PWD’s.

Hindi naman sakop ng nasabing diskwento ang iba pang bayarin tulad ng buwis na ipinatutupad sa ilalim ng domestic air travel.

Facebook Comments