Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang dalawang panukalang pagsasalegal ng diborsyo. Sa pamamagitan ng viva voce voting, lusot sa second reading ang house bill 7185 o panukalang kilalanin ang divorce ng isang dayuhan mula sa kaniyang bansa. Matagumpay na dinipensahan sa plenaryo ang house bill 7185 at ang house bill 7303 na nagsusulong ng absolute divorce at dissolution of marriage sa Pilipinas. Inaasahang maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang mga panukala bago mag congressional break sa susunod na linggo.
Facebook Comments