APRUBADO NA | P1.161 billion supplemental budget para sa Dengvaxia vaccines, lusot na sa Kamara

Manila, Philippines – Agad na pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang 1.161 billion supplemental budget para sa Dengvaxia victims na perang isinauli ng Sanofi Pasteur.

Bagama’t kahapon lamang ito naisalang sa plenaryo, agad ding nakalusot sa 2nd at 3rd and final reading ang supplemental budget dahil sertipikado ito ng Pangulo sa botong 231 yes, 0 no, at 0 abstain.

Pinakamalaking bahagi ng supplemental budget ay ilalaan sa medical assistance program ng Dengvaxia vaccines sa kabuuang halaga na P945 million pesos.


Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, nais nilang matiyak na maibsan ang financial burden ng pamilya ng mahigit 800,000 na batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Agad ding pinagagawa ang profiling sa mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia at ang dagdag na mga nurses na magsasagawa ng profiling at monitoring sa mga bata.

Facebook Comments