APRUBADO NA | Panukalang batas na nagtatakda ng 50% discount sa mga campaign advertisements, lusot sa ikatlong pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlong pagbasa ng kamara ang panukala na nagtatakda ng 50% discount sa mga partido at kandidato para sa kanilang campaign ads sa dyaryo, radyo at telebisyon.

Agad na inaprubahan ang house bill 6604 sa botong 185, na mag-aamyenda sa section 11 ng ra 9006 o mas kilala bilang ‘fair election act’.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, 30% lamang ang diskwento sa campaign ads sa tv, 20% sa radyo at 10% sa print para sa unang tatlong quarter ng taon bago ang taon ng eleksyon.


Ipinagbabawal din ng panukalang ito na singilin ng media outlets ang mga politiko at partido ng rate na mas mataas kumpara sa regular advertisers.

Facebook Comments