Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill no. 1636 o ‘Lifetime Cellphone Number Act’.
Sa ilalim ng panukala, ang mga mobile phone subscribers ay magkakaroon na lamang ng iisang cellphone number kahit magpalit pa ito ng Service Providers, Subscription Plans, mapa-Prepaid man o Postpaid.
Ayon kay Senate Committee on Economic Affairs Chairperson Sherwin Gatchalian may kalayaan na ang mga consumer na pumili ng kanilang gugustuhing Telco na pasok sa kanilang budget na hindi nagpapapalit ng contact number.
Sa amyenda ni Sen. Panfilo Lacson sa panukala, inaalis na rin nito ang ‘Interconnectivity Fees’ na ipinapataw kapag tumatawag o nagpapadala ng text message sa ibang networks.
Facebook Comments