APRUBADO NA | Panukalang pagkakaroon ng 150 judges-at-large, lusot na

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7309 o pagkakaroon ng 150 judges-at-large.

Layon ng HB 7309 na isinulong ni Mata Partylist Representatives Tricia Velasco-Catera na tugunan ang kakulangan ng mga hukom sa bansa na nagiging dahilan ng pagkaantala o tambak na mga kaso sa lower courts.

Nakapaloob sa panukala ang pagbuo ng 100 judges-at-large positions para sa mga Regional Trial Courts (RTC) at dagdag na 50 para naman sa Municipal Trial Courts (MTC).


Ayon kay Catera, para mapasama ang mga RTC judges-at-large, dapat ito ay kasalukuyang walang permanteng “salas” o nagsisilbi bilang acting or assisting judge ng saan mang RTC sa bansa at iba pang kondisyon.

Facebook Comments