Manila, Philippines – Aprubado na rin ng Quezon City Government ang isang City Ordinance na nagpapahintulot na makapagtaas na rin ng singil sa pamasahe ang lahat ng pasaherong tricycle sa Lungsod Quezon.
Alinsunod sa fare adjustment, itataas ang pasahe mula P8.00 patungo sa P9.00.
Nakasaad sa Ordinansa na magkakaroon ng karagdagang P1,00 additional charge sa bawat kilometro at P18.00 naman para sa mga special trips.
Magkakaroon ng 20% discount sa lahat ng Senior Citizen, mga estudyante at Person With Disability (PWD).
Huling ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang taas pasahe sa tricycle noong 2016 na nagtatakda ng P8.00 fare rate sa lahat ng mga pasahero at karagdagang singil naman na P16.00 para sa mga special trips.
Facebook Comments