Aprubado na ng National Food Authority (NFA) ang pag-i-import ng dalawamput isang suppliers ng 100,000 metric tons ng bigas para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ito ay kasunod ng matagumpay na auction na isinagawa ng Landbank at National Food Authority council .
Ang auction ay ginawa sa ilalim ng minimum access volume scheme para sa crop year 2017-2018.
Asahan na darating ang rice imports mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 30, 2018 at tiyak na mapaparami na nito ang supply ng bigas sa mga nabanggit na lugar.
Kabilang sa winners ng auction ay ang tatlong pribadong kumpanya para sa supply ng 20,000 metric tons at 18 farmer cooperatives para 80,000 MT at 20%-80% ratio, na namang nakapaloob sa terms of reference.
Facebook Comments