APRUBADO | Pagiging handa ng Senado sa pagtalakay sa pederalismo, welcome sa DILG

Manila, Philippines – Welcome development para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagiging bukas ng mga senador para makipagdayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa usapin ng pederalismo .

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, ito ang pinakainam para sa bansa.

Aniya ang mungkahi na pagpapalit ng kasalukuyang sistema ng pamamahala sa gobyerno sa pederalismo ay nanatiling pangunahing agenda ng Pangulo at ang suporta ng Senado ang kailangan dito.


Sinabi pa ni Malaya na ang draft federal charter na inihanda ng consultative committee ay produkto ng limang buwan na konsultasyon at pakipagdayalogo sa iba’t-ibang mga stakeholder.

Kaya at tiwala ang DILG na papahalagahan ng Senado ang totoong layunin nito na inaasahang magkaroon ng pagbabago tulad ng ipinangako ng Pangulo.

Kabilang sa nagpahayag ng kagustuhan na mapakinggan ang usapin ng pederalismo sina Senators Ralph Recto, Joseph Victor Ejercito at Grace Poe.

Habang ang senate committee on constitutional amendments ay nagsasagawa ng pagdinig tungkol sa mungkahing charter change o cha-cha.

Facebook Comments