Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7927 o ang Labor Education Act sa botong 163-0.
Sa ilalim ng panukala ay isasama na sa curriculum sa kolehiyo ang pag-aaral sa usapin ng labor o paggawa.
Nakasaad sa panukala na bigyan ng malawak na kaalaman ang mga estudyante ukol sa paggawa sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa labor issues.
Sesentro ang curriculum na ilalatag sa higher educational institutions sa labor rights, benepisyo ng mga manggagawa, labor standards, mga regulasyon at batas sa paggawa pati ang labor market sa loob at labas ng Pilipinas.
Sa ganitong paraan ay magiging sapat ang kaalaman ng mga estudyante sa kanilang mga karapatan kapag sumabak na sa pagtatrabaho.
Facebook Comments