APRUBADO | Pagluwag sa rules sa pagbili at paggamit ng lupa para sa socialized housing, lusot sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagpapaluwag sa rules sa pagkuha at paggamit ng gobyerno ng lupain para sa proyektong pabahay.

Unanimous ang naging pagboto sa plenaryo ng mga kongresista sa House Bill 159 na nag-aamyenda sa RA 7279 o ang `Urban Development and Housing Act of 1992.`

Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo `Albee` Benitez, layon nito na pagtibayin ang karapatan ng pamahalaan sa paggamit ng lupain na maaaring magamit sa socialized housing.


Sa ilalim ng panukala ay binibigyang karapatan ang gobyerno na tukuyin at i-prioritize kung saang lupa ang maaaring pagtayuan ng pabahay.

Sakop din ng panukala na ito ang karapatan ng gobyerno sa mga private lands at mga lupa na may on-going na kaso sa korte.

Sa kabilang banda, magiging huling option lamang ng gobyerno ang pag-seized o pagkuha sa private lands para sa pabahay.

Sinabi pa ni Benitez na layunin ng panukala na tugunan ang lumalalang problema ng bansa sa pabahay at ang problema ng gobyerno sa land acquisition.

Facebook Comments