APRUBADO | Pagtatatag ng DDR, inaprubahan na sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa Kamara ang panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience o DDR.

Paliwanag ni Government Reorganization Committee Chairman Xavier Jesus Romualdo, pinagsama-sama nila ang walong hiwalay na panukala na naglalayong magtatag ng pangunahing ahensya na tututok sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.

Sakaling maaprubahan, bubuwagin na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan papalitan ito ng Department of Disaster Resilience (DDR) council na tatayong policy-maker at advisory body tungkol sa disaster risk reduction and management at climate change adaptation.


Ililipat din ang tungkulin ng Office of Civil Defense (OCD) at climate change commission sa itatatag na kagawaran kung saan ipapasailalim din dito ang Bureau of Fire Protection (BFP), health emergency management bureau habang magiging attached agencies naman ang PAGASA at PHIVOLCS.

Facebook Comments