APRUBADO | Panukalang 300% dagdag sa pension ng mga beterano, lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill No. 1766 o panukalang nagtataas sa P20,000 ng kasalukuyang P5,000 na buwanang pension ng World War veterans.

Ang increase ay para lamang sa mga nabubuhay na beterano at hindi ito pwedeng ilipat sa sinumang miyembro ng kanilang pamilya o kanilang dependents.

Base sa panukala, kapag pumanaw na ang beterano ay babalik sa P5,000 ang pensyon na matatanggap ng kanilang maiiwang pamilya.


Kapag tuluyang naisabatas, ang P1.18 billion na pondo para sa unang taon ng implementasyon nito ay kukunin sa kasalukuyang pondo ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO at sa mga susunod na taon ay ipapaloob na ito sa pambansang budget.

Sa records ng PVAO ay mayroon na lamang mahigit 6,000 mga beterano ang nabubuhay ngayon na lumaban noong panahon ng World War II, Korean War at Vietnam War.

Facebook Comments