APRUBADO | Panukalang automatic membership sa PhilHealth ng mga PWD, lusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong magkaroon ng automatic membership sa PhilHealth ang mga persons with disability.

Layunin ng Senate Bill 1391 o Mandatory PhilHealth coverage for persons with disability na matugunan ang pangangailangang medikal ng mga may kapansanan gaya ng gamot at medical treatments.

Sa ilalim nito, sasagutin ng PhilHealth ang ilan sa mga gastusin sa ospital ng isang PWD.


Kukuhanin ang pondo nito sa makokolektang buwis mula sa mga sigarilyo o alak o sin tax.

Facebook Comments