Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukala laban sa sexual harassment.
Layon ng House Bill 8244 o Expanded Anti-Sexual Harassment, na magpatawa ng mas mabigat na parusa sa mga lalabag dito.
Sa ilalim nito, paparusahan ang pang-aabuso sa salita, kilos o sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.
Sakop nito ang sexual harassment sa lugar ng trabaho, paaralan at iba pang institusyon.
Nakapaloob rin sa nasabing batas ang paglikha ng komite na tatanggap ng mga reklamo at mag-iimbestiga sa kaso ng pang-aabuso.
Inaatasan rin ang mga employer na magpatupad ng mga patakaran na poprotekta sa kanilang mga empleyado sa sexual harassment.
Ang sinumang lalabag ay papatawan ng hanggang anim na buwang pagkakakulong at multang hindi hihigit sa P200,000.