APRUBADO | Panukalang batas na nagbibigay ng parusa sa pananampal sa mga anak, lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa second reading sa Kamara ang panukalang batas na nagtataguyod ng pagdidisiplina sa mga bata sa paraang hindi marahas.

Sa House Bill 8239, po-protektahan ang mga kabataan mula sa anumang uri ng pamamahiya, pisikal na parusa at iba pang degrading acts.

Layon ng naturang panukala na gabayan ang mga magulang sa tamang pagdidisiplina sa kanilang mga anak kung saan hindi sila makakasakit na naaayon sa Universal Declaration of Human Rights, Convention on the Rights of the Child at Geneva Declaration of the Rights of the Child.


Dahil dito, ipagbabawal ang lahat ng uri ng pananakit tulad ng panananampal sa bata, pagbabanta, pang-iinsulto at pamamahiya sa loob at labas ng tahanan, paaralan o saan mang institusyon.

Sakali naman may magsumbong ng ganitong uri ng pandidisiplina, isasailalim sa anger management, seminar, counseling at therapy ang mga magulang habang maaaring maglabas ng temporary protection order ang chairman ng barangay para sa kapakanan ng bata.

Facebook Comments