APRUBADO | Panukalang magbibigay ng libreng dialysis treatment sa mga mahihirap na pasyente, lusot sa committee level ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Health ang panukalang magbibigay ng libreng dialysis treatment para sa mga mahihirap na pasyente.

Sa ilalim ng panukala, minamandato ang lahat ng government hospitals na magtatag ng dialysis service facility at libre ang magiging serbisyo nito sa mga mahihirap.

Ayon kay Committee Chairman, Quezon Representative Angelina Tan – layunin nitong makapagpigay ng maayos na healthcare services sa mga pasyenteng may End-Stage Renal Disease (ESRD) at mahikayat silang sumailalim sa kidney transplant.


Dagdag pa ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate – lumalabas lamang na mahirap pa rin ang access sa mga health services at tila kinukuripot ng gobyerno ang health budget sa kabila ng pangangailangan ng mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments