Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbabawal ng marahas na parusa sa mga bata.
Sa botong 160 na “yes” at dalawang “no” inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act”.
Layun ng panukala na magkaroon ng positibong uri ng pagdidisiplina sa mga bata para hindi malabag ang karapatan ng mga ito at hindi maging marahas kapag lumaki.
Kung matindi ang pananakit o pagpapahiya sa bata, pwedeng irekumenda ng punong barangay ang temporary protection order para mapangalagaan ito.
Sa ilalim rin nito, bawal ang marahas na uri ng disiplina ay bawal hindi lamang sa bahay kundi pati sa paaralan at iba pang institusyon tulad ng alternative care system, juvenile welfare system, simbahan at iba pang lugar kung saan mayroong mga menor-de-edad.
Ang mga lalabag dito ay isasailalim sa seminar tungkol sa positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, children’s rights, counseling at therapy.
Kung matindi naman ang pagparusa sa bata, pwedeng makasuhan ang offender sa krimen base na sa revised penal code.