APRUBADO | Panukalang National Feeding Program, pasado na

Manila, Philippines – Pasado sa ikatlo’t-huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na bubuo ng National Feeding Program para sa mga estudyante ng mga pampublikong paaralan at day care centers.

Layunin ng senate bill 1279 na tugunan ang problema ng gutom at malnutrisyon sa bansa.

Ang Department of Education at Department of Social Welfare and Development ang mga pangunahing ahensya na mangangasiwa ng programa.


Binigyan ng halos siyam na bilyong piso ang dalawang ahensya para ipatupad ang programa ngayong taon.

Batay sa pag-aaral ng Food and Agriculture Organization (FAO), 16 na milyong batang pilipino ang ikinokonsiderang ‘undernourished’.

Facebook Comments