APRUBADO | Panukalang night shift at hazard pay sa mga nasa gobyerno, lusot na sa Senate committee level

Manila, Philippines – Lusot na sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ang mga panukalang nagkakaloob ng night-shift differential pay at hazard pay sa mga empleyado ng pamahalaan.

Ayon sa chairman ng komite na si Senator Antonio Trillanes IV na siya ring may-akda sa dalawang panukala, marapat lamang mabigyan ng makatarungang kompensasyon ang mga mangagawa sa gobyerno na nagsasakripisyo sa kanilang kaligtasan at kalusugan para magampanan ng mabuti ang kanilang trabaho.

Base sa Senate Bill number 1562, makakatanggap ang government employees ng 20-porsyento ng kanilang basic rate kapag nagtrabaho pa sila mula alas-dyes ng gabi hanggang alas-sais ng umaga.


Nakapaloob naman sa Senate Bill number 559 ang hazard pay para sa mga government employees na maitatalaga sa mga delikadong lugar na idineklara ng defense secretary gayundin sa mga planta at imbakan ng mga bala at baril.

May hazard pay din kapag sila ay na-assign sa malayong lugar o kaya ay may mga kagamitan na banta sa kalusugan pati na rin sa mga kulungan at nga pasilidad para sa mga pasyenteng may problema sa pag-iisip.

Facebook Comments