APRUBADO | Prangkisa ng solar para sa bayan, lusot na sa Kamara kahit tutol ang ilang mga Kongresista

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8179 o ang panukalang magbibigay ng 25 taong prangkisa sa Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC).

Ang SPBC ay pagaari ng anak ni Sen. Loren Legarda na siya namang tinututulan ng ilang kongresista dahil maaari itong mauwi sa monopolya.

Pero sa botong 198 ng mga kongresistang pabor at 7 bumoto ng No at 1 Abstain ay nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala.


Sa ilalim ng House Bill 8179 ay papayagang makapag-operate ang nasabing korporasyon sa mga lugar na tutukuyin ng Department of Energy bilang underserved o hindi naseserbisyuhan.

Sa kabila nito, nangangamba si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na mauuwi sa pagbebenta sa dayuhan ang nasabing kumpanya.

Facebook Comments