Manila, Philippines – Apbrubado na ang rice tariffication bill sa bicameral committee sa Kongreso.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture at co-chairman ng Bicam, target na maipatupad ang panukala bago matapos ang taon.
Aniya, sa susunod na linggo ay raratipikahan na sa Senado at Kamara ang panukalang batas at agad na ipapadala sa Malacañang para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng rice tariffication bill, inaasahang bababa ang presyo ng bigas dahil malaya na ang mga pribadong sektor na mag-angkat ng bigas.
Nakapaloob rin rito na hindi na mag-i-import ng bigas ang National Food Authority (NFA) at hindi na papa-aprubahan sa NFA Council ang pag-aangkat ng mga pribadong sektor.
Taon-taon ding kokolekta ang pamahalaan ng halos 10 bilyong piso mula sa mga importers na gagamiting pondo para sa pinansyal na tulong sa mga lokal na magsasaka na maapektuhan ng isinusulong na batas.