APRUBADO | Singil sa transcript ng stenographic notes, tinaasan ng SC

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Korte Suprema ang panukalang itaas ang singil sa kopya ng transcript ng stenographic notes ng court proceedings ng mga korte.

Sa ilalim ng pamumuno ni Chief Justice Teresita De Castro, inaprubahan nito ang panukala ni Court Administrator Midas Marquez na gawing 20 pesos per page mula sa 10 piso na unang pinatupad noong taong 2000.

Sa kada 90 pesos na makokolekta mula sa singil sa transcript ng mga paglilitis sa korte, 30 pesos nito ay napupunta sa judiciary development fund habang ang 60 pesos ay sa court stenographer.


Bunga nito madadagdagan na rin ang take home pay ng court stenographers.

Facebook Comments