Manila, Philippines – Kinumpirma na ng makapangyarihang commission ang ad interim appointments ng tatlong huling tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Agrarian Reform Secretary John Rualo Castriciones, at Justice Secretary Menardo Guevarra.
Lusot rin sa Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner Socorro Inting at ng dalawang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sina Sulpicio Miguel Confiado bilang Philippine Ambassador sa Arab Republic ng Egypt, at si Akmad Sakkam bilang Ambassador ng bansa sa Hashemite Kingdom ng Jordan.
Kasama ding pinagtibay ng CA ang promosyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Carlito Galvez sa ranggong General.
Gayundin ang promosyon ng iba pang Senior AFP officers na sina Rolando Rodil, Joselito Maclan at Nelson Collantes na pawang mga Brigadier General, at si Emmanuel Mahipus sa ranggo ng Colonel sa Philippine Air Force.