Manila, Philippines – Aprubado na agad sa ikalawang pagbasa ang Tax Amnesty Bill sa Kamara.
Wala nang nag-interpellate sa House Bill 8554 matapos itong sponsoran ni House Ways and Means Committee Chairman Estrelita Suansing.
Agad itong idiniretso sa committee amendments at 2nd reading approval.
Ayon kay Suansing, tinatayang aabot sa 114 Billion ang kikitain sa buwis ng gobyerno sa tax amnesty.
Sakop ng tax amnesty ang mga hindi nabayarang buwis na ipinataw ng gobyerno sa taong 2017 at mga naunang taon.
Ang taxpayer na gustong makapag-avail ng amnesty ay kailangan lamang magbayad ng 2% ng kanilang networth.
Mareresolba din ang backlog sa tax delinquency cases at mapapaluwag ang dockets ng Bureau of Internal Revenue, Regional Trial Courts, Court of Appeals at maging ng Korte Suprema.