APRUBADO | Tulong-Trabaho Act, lusot na sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8139 o Tulong-Trabaho Act.

Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Philippine Labor Force Competency Competitiveness Program na layong palakasin ang qualifications at competitiveness ng mga manggagawa upang makasabay sa pagbabago ng working structures.

Layunin din ng panukala na bigyan ang mga Pilipino ng free access sa Technical-Vocational Education and Training (TVET).


Sa ilalim naman ng Philippine TVET Competency Assessment and Certificate System ay tutukuyin ang knowledge, skills, attitudes at values ng isang tao para malaman ang qualification level at maibigay dito ang nararapat na trainings na kinakailangan para sa trabaho.

Mayroong mga Selected Training Programs (STPs) na ibibigay depende sa kinakailangang pagsasanay sa isang industriya tulad ng school-based, center-based, community-based o enterprise-based technical-vocational training programs na aprubado naman ng TESDA Board.

Lilikha naman ng Tulong Trabaho Fund para dito kukunin ng mga kwalipikadong manggagawa ang pondo para sa programa at trainings na pagdadaanan.

Facebook Comments