APRUBADO | Wiretapping sa mabibigat na krimen, papayagan na ng Kongreso

Manila, Philippines – Papayagan na ang wiretapping sa mga mabibigat na krimen.

Ito ay matapos makapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8378 o ang pag-amyenda sa Anti-Wiretapping Law o RA 4200.

Maaari nang maisailalim sa wiretapping ng mga otoridad ang mga mabibigat na krimen tulad ng kudeta, robbery in band, anti-piracy at anti-highway robbery law gayundin ang mga krimeng may kinalaman sa iligal na droga.


Kasama din sa maaaring i-wiretap ang mga tiwali sa gobyerno, mga sangkot sa money laundering at syndicated illegal recruitment.

Pero, bago maisagawa ang wiretapping ay kailangan muna ng court order.

Sa kasalukuyang batas, ang mga maaari lamang isailalim sa wiretapping ay mga kasong may kaugnayan sa national security tulad ng treason, espionage, rebellion at terrorism.

Facebook Comments