Aprubadong IRR ng Anti-Terror Law, malinaw na para lang labanan ang terorismo

Naniniwala si Senador Panfilo “Ping” Lacson na mapapawi na ang takot ng ilang sektor at agam-agam ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act of 2020 ngayong lumabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Pahayag ito ni Lacson makaraang aprubahan na ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang IRR ng nabanggit na batas.

Ayon kay Lacson na pangunahing nagsulong at nag-sponsor ng naturang batas, maliwanag sa 48-pahina ng IRR ng Anti-Terror Law na tumatalima ito sa Bill of Rights sa ilalim ng 1987 Constitution.


Idinagdag pa ni Lacson, na bukod sa agam-agam ng implementasyon ng mga awtoridad, ang IRR ay magsisilbi ring pamawi ng kaba at takot sa mga inbididwal at sektor na nakakaramdam ng pagkabahala bunga ng naturang batas.

Bago pa man umpisahan ang pagbuo sa IRR ng nabanggit na batas, una nang tiniyak ni Lacson na magiging listo siya sa pagbabantay sa pagpapatupad nito upang matiyak na sa pagsugpo lamang ng terorismo ito gagamitin at hindi sa mga inosenteng mamamayan.

Facebook Comments