Aprubadong program grid para sa DepEd TV, inilabas ng DepEd

Inihayag ngayon ng Department of Education (DepEd) na nakalatag na ang mga programa na mapapanood ng mga estudyante sa telebisyon para sa October 5, 2020.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, ang naturang programa ay bahagi pa rin ng tinatawag na distance learning ng DepEd ngayong may COVID-19.

Paliwanag ni Pascua, nakalatag na ang program grid na aprubado ng Office of the Undersecretary for Administration.


Base sa grid, simula sa October 5, 2020, Lunes hanggang Sabado ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, mapapanood ang kanilang programa sa government free TV channel, kung saan bawat episode ay may habang 20 minutong lecture.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon namang 5 minutong break sa tapos ng kada episode kung saan aabot sa 130 ang lahat ng episode sa DepEd TV kada linggo na target pang palawakin sa 220 episodes kada linggo.

Para sa kabuuang schedule ng mga palabas, maaaring bisitahin ang official Facebook account ng DepEd.

Facebook Comments