AQUACULTURE INDUSTRY SA UMINGAN, PINALALAKAS

Inaasahang tataas ang kita at produksyon ng mga mangingisda sa Umingan kasunod ng fingerlings mula sa Department of Agriculture.

Layunin ng programa na matulungan ang mga lokal na mangingisda at magsasaka sa pagpaparami ng isda at pagpapalakas ng produksyon sa larangan ng aquaculture.

Bahagi rin ito ng hakbang ng pamahalaan upang mapanatili ang sapat na suplay ng isda sa mga pamilihan at mapabuti ang kabuhayan ng mga nasa sektor ng pangingisda.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal na ipagpapatuloy ang ganitong mga proyekto para sa kanilang inisyatiba na palawakin ang mga oportunidad sa agrikultura at pangingisda sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments