AQUACULTURE NG DAGUPAN CITY, MASPINAPALAWAK

Mas pinapalawak pa ang Aquaculture Industry ng Dagupan City o ang hanay ng produksyon ng mga fishery products tulad ng mga isda at iba mga shellfishes na may layong makatulong sa mga mangingisda sa lungsod bilang isa rin ito sa pangunahing pinagkakakitaan at hanapbuhay ng mga Dagupeño.
Alinsunod dito, nakipagpulong ang alkalde sa kinatawan at mga opisyales ng Department of Science and Technology ukol sa mga aksyong magsusulong ng tulong sa mga mangingisda sa siyudad.
Saklaw ng nasabing plano para sa mga ito ang pagpapataas ng produksyon ng mga isda, gayundin ang pagpapalago ng mga talaba sa pamamagitan ng Science and Technology Interventions sa ilalim pa rin ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program.
Samantala, matatandaan na kabilang ang Dagupan City sa mga napiling CEST Communities sa buong Region 1 na may layong higit mabenipisyuhan ang mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng advanced na Siyensya at Teknolohiya.
Facebook Comments