Manila, Philippines – Bumuwelta ang Palasyo ng Malacañang ang batikos ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino sa administrasyong Duterte.
Matatandaan kasi na sinabi ng dating Pangulo kahapon sa isang panayam ay, tila walang nangyari sa kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa operasyon ng iligal na droga.
Nagbigay din ng pahayg ang dating Pangulo ng komento sa pagkakaptay kay Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog kung saan sinabi nito na dapat imbestigahang mabuti ang pangyayari.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, batay sa datos na matagal nang inilalabas ng Pamahalaan ay napakarami ng napagtagumpayan ng Administrasyon sa paglaban sa iligal na droga.
Paliwanag ni Abella, sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay mahigit 1.3 milyong drug personalities ang sumuko.
Ikinumpara din ni Abella ang mga nagawa ng Administrasyong Duterte sa unang isang taon at sa buong termino ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino.
Ayon kay Abella, umabot na sa 2,445 kilos ng shabu ang nakumpiska ng Duterte Administrasyon sa isang taong kampanya laban sa iligal na droga pero nasa 3,219 kilos lang ang nakumpiska sa buong 6 na taong panunungkulan ni dating Pangulong Aquino.
Sinabi din ni Abella na umabot na sa mahigit 96,000 ang dug personalities ang naaresto sa isang taong kampanya ng Duterte administrasyon pero nasa mahigit 77,000 lamang naaresto sa buong termino ni dating pangulong Aquino.
Patunay lamang aniya ito na malaki na ang napagtagumpayan ng Administrasyong Duterte sa paglaban sa illegal drugs.
Aquino Administrasyon ipinahiya ng Malacañang, mga nagawa ni Pangulong Duterte sa paglaban sa iligal na droga mas marami kaysa nagawa ng dating Pangulo
Facebook Comments