‘Ar-Aria Night’, Inaabangan na sa City of Ilagan!

Cauayan City, Isabela- Naghahanda na ngayon ang mga miyembro ng City of Ilagan Gay Association (CIGA) para sa gaganaping ‘Ar-Aria’ ngayong gabi na matutunghayan sa harap ng Cityhall ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Peterson Patriarca, presidente ng CIGA, mamayang alas 4 ng hapon ay magtitipon-tipon na ang lahat ng miyembro ng CIGA para sa kanilang pagpa-parada suot ang kanilang pinakabonggang costume ngayong undas.

Asahan aniya ang mga kakaibang halloween costumes ng mga magpaparada ngayong hapon dahil na rin sa pagiging malikhain ng mga ito.


Ito ay bilang bahagi sa paggunita ngayong undas kung saan ay layunin ng CIGA katuwang ang LGU Ilagan na makapagbigay ng aliw at saya sa mga tao.

Makakatanggap naman ng halagang P8,000 ang mananalo sa gagawing Search for Ms. Ar-aria Queen.

Inaanyayahan naman ni Patriarca ang lahat na manood ngayong gabi at tiniyak nito na mag eenjoy ang mga manonood dahil marami silang inihanda na panonoorin ng mga manonood.

Facebook Comments