Ara Mina, dumepensa sa komento ng netizen tungkol sa pamimigay niya ng makeup kit sa mga frontliners

(Ara Mina Instagram)

Sa kabila ng pamimigay ng makeup kit bilang tulong sa mga frontliners, isang netizen ang bumatikos kay Ara Mina sa kanyang ibinahaging post online.

Ipinaliwanag ni Ara Mina sa kanyang Instagram account na ang mga ipinamigay na self-care kits ay dagdag lamang sa mga nauna na niyang ibinahaging pagkain at face mask sa mga frontliners.

“Aside from my DONATION DRIVE of @aracoloursph and @arassecret (PLS SWIPE TO SEE)😊. We’ll be sending @aracoloursph SELF CARE KITS to the frontliners of my 2 chosen hospitals this week😍 (THIS IS JUST A GIFT!,” saad ng aktres.


Makikita sa kanyang IG post ang maraming packs ng makeup kits mula mismo sa kanyang sariling makeup line na Ara Colours PH at Ara’s Secret.

Sa kabila nito ay may isang netizen na nagkomento raw at tila hindi masaya sa ipinamigay ng aktres.

“Thank you but at this point, makeup kits are not part of our priorities. Food is more essential for their daily needs,” saad ng commenter.

Agad namang dumepensa si Ara at sinabing bonus lamang ang ito at extra dahil nakapamigay na umano sila ng pagkain.

“And nag distribute na rin po ako ng about 8k pieces of masks. Naka-plan na rin po ako mamigay ng face shields and magpa-fundraise pa po ako for PPE suites,” paliwanag niya.

Dagdag niya, karagdagan lamang talaga ang mga ito para makapagbigay-ngiti sa mga frontliners at upang mapaalalahanan silang patuloy na alagaan ang kanilang mga sarili.

Samantala, marami naman ang sumuporta sa aktres mula sa naturang netizen.

Hanga umano sila sa ginawa ni Ara na hindi nagdalawang-isip at handa raw isakripisyo maging sariling negosyo para makatulong sa iba.

Facebook Comments