ARA MINA NAG-DONATE NG SAKO-SAKONG BIGAS SA MGA APEKTADO NG LOCKDOWN

Problema ngayon ang ayuda’t makakain sa maraming lugar buhat ng enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ), dahilan para magmagandang loob ang aktres na si Ara Mina. Aniya, ginawa niya ito kasama ang #TEAMDARVE sa ika-apat na linggo ng ECQ, dahilan kung bakit hindi pa rin makapagtrabaho ang marami bilang pag-iingat sa pagkalat ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pupunta ang kanilang tulong sa Lungsod ng Quezon, Caloocan, probinsya ng Laguna, Rizal at Angeles sa Pampanga — na kung saan marami rito ang malalagay sa modified ECQ. Anim na araw pa lang ang nakalilipas nang mamigay sina Ara ng gatas at choco drink para sa ilang bata sa Caloocan at Malabon, sa tulong na rin ng Goodwill Heart Foundation.

Abril naman nang naging busy si Ara sa pamimigay ng tulong mula sa grupo ng mga hikers sa mga nasunugan ng tirahan sa baranggay 132 sa Lungsod ng Caloocan. Samantala, taus puso naman ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng LGU’s at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng kanilang nakayaang tulong.


Facebook Comments