Araw ng Kalayaan, gamitin bilang paalala sa mga hamon na kinahaharap ng bansa —Sen. Pimentel

Hiniling ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na gamitin ang Araw ng Kalayaan para paalalahanan ang ating mga sarili sa mga hamon na kinahaharap ngayon ng bansa.

Ayon kay Pimentel, nakikiisa siya sa paggunita ng bansa sa Araw ng Kalayaan at isa itong makasaysayang okasyon ng muling pagsilang ng Republika ng Pilipinas at pag-alala sa mga sakripisyo ng ating mga ninuno.

Hinimok ng senador na gamitin ang araw na ito para ipaalala sa ating mga sarili ang mga paghihirap na kinahaharap ng bansa tulad ng inflation, kawalan ng trabaho, kahirapan, katiwalian at mga krimen.


Aniya, ito ang mga maituturing na kaaway sa makabagong panahon na kinakailangang harapin upang malagpasan.

Hinamon din ni Pimentel ang mga Pilipino na sama-samang harapin at labanan ang mga problemang ito at magtulungan tungo sa isang bansa na masagana, makatwiran at nabibilang ang lahat.

Facebook Comments