Manila, Philippines – Inilunsad ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno ang tinaguriang Mega Jobs Fair sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Luneta Grandstand.
Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Paras kahit na umuulan ay dinagsa ng mga Pilipino ang trabaho, negosyo at kabuhayan sa Rizal Park ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na nilahukan ng mahigit 600 mga employers kabilang na ang trabaho sa ibang bansa.
Paliwanag ni Paras ang Job Fairs ay tugon ng pamahalaan sa mga kababayan nating Pinoy na naghahanap ng trabaho local at international kung saan dinumog ng mga naghahanap ng trabaho at hindi inaalintana ang malakas na buhos ng ulan makahanap lamang ng trabaho.
Giit ng opisyal hindi sinayang ng mga Pilipino ang pagkakataon at oportunidad na makakuha ng magandang hanapbuhay sa pamamagitan ng inilunsad na Job Fairs ng gobyerno.
Paalala ni Paras magdala ng mga kakailanganin dokumento bago pumunta sa Rizal Park upang madaling makapasok ng trabaho.