Manila, Philippines – Aabot sa 900 mga raliyista ang namonitor ng Philippine National Police na nagsagawa ng kilos protesta sa ibat ibang lugar sa buong bansa kaugnay sa pag-obserba ng araw ng paggawa ngayong araw.
Sa ipinadalang ulat ni PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao, hanggang 10:00 ng umaga kanina sa Metro Manila nakamonitor ang Manila Police District ng 20 mga raliyista sa welcome rotonda, sa may Marikina city 200 raliyista, sa may Makati City 15 raliyista.
Sa region 1 namonitor ng PNP ang 150 mga raliyista sa Ilocos at San Fernando La Union
Sa region 3 namonitor ng PNP ang 30 raliyista sa may Mariveles Bataan.
Sa Region 4A 30 raliyista ang namonitor ng PNP sa may General Trias Cavite habang sa Sta Rosa Laguna ay 40 raliyista ang namonitor.
Sa region 5, 15 protesters ang namonitor sa Catanduanes, at 200 sa Sorsogon
Sa region 7 200 raliyista rin ang namonitor ng PNP sa Cebu City.
Ang mga raliyistang namonitor ng PNP ay mga miyembro ng grupong Piston, Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno
Nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng PNP sa mga kaliwat kanang kilos protesta.
Una nang sinabi ni PNP Chief Police Dir. Gen. Oscar Albayalde na handa ang kanilang hanay sa mga kaganapan ngayong Araw ng Paggawa.