Araw ng Pasasalamat sa mga OFW, pangungunahan ng Pangulo sa Camp Aguinaldo ngayong araw

Maaga pa lamang kanina ay nagsimula nang  magtipon sa Grandstand ng Camp Aguinaldo ang mga balik-bayang Overseas Filipino Workers, mga pamilya ng OFW at mga interesadong mag-OFW para sa isasagawang Araw ng Pasasalamat sa mga OFWs.

Sa unang bahagi ng maghapong aktibidad, isang local at International job fair ang isasagawa hanggang ngayong tanghali, na lalahukan ng accredited recruitment agencies at mga pribadong kompanya.

Mayroon ding mga help-desks ng SSS, Philhealth, NBI, Pag-IBIG, Tesda, PNP, DFA, OWWA, POEA, at DTI para pagkalooban ng mga kaukulang serbisyo ang mga papaalis at nakabalik na OFW.


Mamayang hapon ay magbibigay ng mga lecture ang PNP kaugnay ng Human trafficking at Police community relations sa OFWs; ang TESDA patungkol sa OFW educational training program; DTI tungkol sa OFW reintegration program; OWWA tungkol sa mga benepisyo ng mga OFW; At POEA sa tamang recruitment.

Isang memorandum of Agreement din ang lalagdaan sa pagitan ng OWWA, DILG, DOLE, at DTI na magbebenepisyo sa mga OFW.

Alas 5:30 ng hapon naman mamaya, isang pormal na program ang pangungunahan  ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama sina DILG Secretary Eduardo Año at PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Facebook Comments