MANILA – Na-urong ang araw ng pagpo-proklama ng bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.Ayon kay Sen. Koko Pimentel, Co-Chairman ng Joint Canvassing Committee, imbes na May 30, posibleng sa May 31 o June 1 na maipo-proklama ang nanalong president at bise presidente.Paliwanag ni Pimentel, magkakaroon pa ng system generated para sa final report na isusumite sa joint session para sa pormal na pagpo-proklama.Sa ngayon ay nasa 113 na mula sa 165 Certificates of Canvass ang nabibilang ng Kongreso na tumatayo bilang National Board of Canvasssers.Batay sa partial tally ng NBOC – nangunguna pa rin sa bilangan sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte habang lumamang na si Sen. Bongbong Marcos kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa ikalawang pangulo.
Araw Ng Proklamasyon Sa Nanalong Pangulo At Ikalawang Pangulo Ng Bansa, Inurong Ng Nboc
Facebook Comments