Mataas ang tsansa na uulanin ang araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, July 22 bunsod na binabantayan na Tropical Depression Carina.
Bagama’t hindi tatama sa kalupaan ang TD Carina, magdadala ito ng pag-uulan dahil sa epekto ng Habagat.
Ang Bagyong Carina ay magiging ganap na bagyo sa loob ng 12-24 hours.
Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Lunes.
Hindi lang dito sa Metro Manila ang uulanin kundi maging ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Batangas, Cavite, Occidental Mindoro at Northern Palawan.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga dadalo sa SONA na magdala ng panangga sa ulan.
Facebook Comments