Posibleng pumalo na lang sa 200 ang daily COVID-19 cases sa pagtatapos ng Nobyembre.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, umabot na lamang sa 388 ang bagong kaso ng COVID-19 kahapon na mas mataas sa seven-day average na 385, pinakamababa magmula nitong February 13.
Bumaba na rin sa 0.38 ang reproduction rate o bilis ng hawaan sa Metro Manila na mas maganda ang kalagayan kumpara nakaraang taon.
Maliban sa seven-day average case at reproduction number, bumaba na rin ang average daily attack rate o incidence rate sa bansa na nasa 2.86 kada 100,000 indibidwal; active cases na nasa 6,484 na lang at positivity rate na nasa 4% na lang.
Patuloy naman ang paghikayat ni David sa publiko na sumunod pa rin sa health protocols para mapanatiling mababa ang kaso ng sakit sa bansa.