Arawang kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa higit 10,000 sa Oktubre

Posibleng pumalo sa 10,000 bagong kaso ng COVID-19 ang maitatala sa National Capital Region (NCR) pa lamang pagsapit ng Oktubre.

Batay ito sa pinakabagong projection ng Department of Health (DOH).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hindi malabong umakyat sa 10,600 ang arawang kaso sa NCR kung mananatiling mababa ang COVID-19 vaccination coverage at kung hindi susunod ang publiko sa minimum public health protocols.


Dagdag pa rito ang pagpasok sa bansa ng iba’t ibang COVID-19 subvariants.

Aminado naman ang kalihim na nananatiling mabagal ang COVID-19 booster vaccination sa bansa.

Samantala, nasa 109% o 9.7 million ng mga kabataang edad 12-17 ang nabakunahan na kontra COVID-19 na lampas sa target ng DOH.

Habang mabagal din ang bakunahan sa mga batang edad 5-11 kung saan 4.2 million pa lamang ang natuturukan o 20% ng target population.

Facebook Comments